Monday, October 5, 2009

unexpected





Sa kantang ito nagsimula ang pagiging malapit ko sa isang katrabaho that sooner became a friend. Tinanong nya kung sino ang kumanta ng kantang yon. Doon nagsimula na makilala ko cya, ang boss ko na kahit minsan hindi ipinaramdam sa amen na nakatataas cya. Hindi ko rin alam pano ung pinakasimula paano kame naging malapit sa isat isa pero nagising na lang kame isang araw na ayun na, may mga bagay na cyang naioopen saken at ako rin sa kanya. At natawa pa ko isang araw ng minsang naguusap kame sa phone at pinaguusapan namen ang kategorya ng pagkakaibigan base sa level at katumbas na kahulugan nito na sinulat ng isang kaibigan nya at tinanong nya ko kung “tayo? Anu na ba tayo?” Acquaintance? I just smiled and said teka ate titingnan ko, tpos naputol ung usap at tinext ko na lang sa kanya sabi ko ate friends na pala tayo. Tpos binasa ko sa kanya ang definition sabi nya oo nga noh friends na pala tayo.. at ng sandaling iyon napaisip ako na dati nakakasalubong ko lang cya, iniiwasan ng tingin at ni hindi man lang kinakausap, pero ngayon kaibigan ko na cya, napangiti ako at nagpasalamat sa nasa Itaas. Hindi ko rin akalain na isa cya sa magiging pinakamalapit ko sa mga tao sa kompanya kung saan ako nagsimula, kung saan ako ay bumalik at ngayon muli kong lilisanin dahil sa pangpersonal na kadahilanan.
Marami akong mamimiss sa taong to. Marami syang katangian na mamahalin mo at aabangan mo sa araw araw na magkakasama kayo tulad na lang ng mga kengkoy nyang hirit at ang tawa nya na nakakahawa kaya kahit mababaw lang matatawa ka ng sobra dahil madadala ka sa tawa nya at ngiti na halos parang pikit na ang mata nya pag humahagikgik. Hindi ko rin makakalimutan ang mga iyak nya na pag tumutulo na un at nanghihina na cya kakaiyak, napakasarap nya yakapin dahil para cyang bata na iiyak sa balikat mo at tpos hahalikan mo sa noo at sasabihin tama na yan ate..ganun cguro tlga….hayaan na naten un, stuffs like that…. At ang pinakamamimiss ko ang paghanap sa saken at pagtawag sa pangalan ko at sasabihin nya “hoy alam mo ba nakakainis ung kaibigan ko” at ang hindi ko makakalimutan ung pumunta sya sa pwesto ko sa disso at nagshare ng kung anu ang nasa dibdib nya at maya maya hahawak na cya sa gilid ng mata nya at sasabihin hay bakit naiiyak nanaman ako?! Ok na ko eh! Pag ganun, yayakapin ko lang cya at sasabihin ko, ayan ka nanaman naluluka ka nanaman… napakasarap nya maging kaibigan, maging kapatid, maging mommy at maging kabiruan dahil maloloka ka pag naging kaibigan mo ang taong ito.




Maraming hindi nakakakilala pa sa kanya kahit ung mga matagal na nyang kakilala o kabatian hindi pa cguro kilala kung sino talaga c “che-che, chi, chiharo” at kung anuman ang tawag sa kanya. Marami ang nakakamisjudge sa kanya, hindi nakikita ang kabutihan na meron cya, na kahit anumang sungit ni madam chiharo, pusong mammon pa rin yan. Hindi nila kilala ung tunay na ate chi. Sana maging example na lang ako, ako na iniisnab ni ate chi date eh ngayon tingnan ko lang kung isnabin ako ng bruhilda. Sa aking paglisan, sana magkaron ng pagkakataon ung iba na maging malapit sayo at makilala mo sila at kilalanin ka nila hindi bilang supervisor pero bilang isang tao na humihinga, may pakiramdam at may puso para iwelcome pa ang mga tao at bigyan sila ng puwang sa puso mo. Siguro akala nyo masungit cya pero jan kayo nagkamali, napakasungit nya tlga hehehe peace! Wish ko ate na makilala ka pa ng mga tao sa pascual at mahalin ka rin nila kung paano kita minahal at naging kaibigan. Hindi ko makakalimutan ang masasayang times naten jan ang mga tawanan na masakit sa tyan, ang katakawan mayat maya, ang kalanturan naten na bawal imention at ang magandang pagkakaibigan na sana kahit hidi na tayo araw araw magkita, manatili tayong maging magkaibigan sa puso…. Magkikita pa tayo…. Hindi ito ang katapusan ng pagkakaibigan naten (ayan naiiyak na ko ), hindi dito natatapos, ipagpapatuloy pa naten hanggang sa umabot na nga tayo sa ibang level ng friendship kasi gusto pa kita makilala, at gusto ko maging isa dun sa susunod na level ng friends na sabi mo wala ka pa….
Kung may problema ka, tulad ng date, nandito lang ako palagi. Palagi kayo magiingat ni rain at ni mama… babaunin ko ang pagkakaibigan naten san man ako mapunta…. I love you ate chi

3 comments:

  1. punky napakawalangya mo.Katulad ng dati ikaw na naman ang nakapagpa iyak sa akin.at ngayon habang nag cocomment ako ayaw na naman tumigil ang luha ko.ano ba yan.nakakainis ka talaga.sobrang mamimiss kita.ang tagal kong inipon tong luha na 'to pero eto ikaw pa din ang nagpaagos.

    ReplyDelete
  2. Like!!! Cheezy!!! Sweet namannnnnnnnnnnnnnn! hehe...

    ReplyDelete
  3. hoy mokong ka wala ka na iba icoment puro cheezy! hahahahah



    ate chi, hays life.... im your emo friend pa rin hahahah! pero im true with every word, walang halong bola...ill miss you and i hope we update each other often.... muahugs

    ReplyDelete